Republic of the Philippines
OFFICE OF THE MAYOR
City of Manila

 

Message of Manila Mayor Alfredo S. Lim on 439th founding
anniversary
of the City of Manila

 

PAHATID – BATI

Kapalaran at karangalan kong pangunahan ang pagdiriwang ng ika – 439 Araw ng Maynila hindi lamang upang sariwain ang mga lumipas na mga araw at taon na nagpatunay sa buong daigdig na ang Maynila ay lungsod ng kadakilaan, kabayanihan, malasakit sa kapuwa tao, walang katulad na pagmamahal sa kasarinlan at pananalig sa Dakilang Lumikha, kundi higit sa lahat, upang pangalagaan ang dangal at puri ng Maynila at tiyaking mananatili itong pugad ng kasarinlan, pag-ibig sa bayan at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na mamuhay nang marangal sa pamamagitan ng paggamit ng bunga ng pagsisikap sa kapakanan hindi lamang ng sarili, kundi buong sambayanan.

Sama-sama nating ipagdiwang ang Araw ng Maynila nang lakip ang pangakong ubus-kaya at buong katapatan nating iaambag ang ating lakas at talino sa ikauunlad ng Maynila at sa kabutihan ng mga taga-Maynila, lalo na ng mga kabataang pangungunahan at aakayin natin sa matuwid na landas ng buhay upang bigyang katuparan ang mga pangarap ng mga bayaning naghandog ng buhay alang-alang sa kasarinlang tayo ang nagtatamasa at nakikinabang.

Sumapuso nawa nating lahat ang tunay na diwa at halaga ng Araw ng Maynila!

Mabuhay ang Maynila at ang taga – Maynila!


ALFREDO S. LIM
City Mayor