Republic of the Philippines
OFFICE OF THE VICE MAYOR
City of Manila
Message of Manila Vice-Mayor FRANCISCO “Isko Moreno” DOMAGOSO on
439th founding
anniversary of the City of Manila
PAHATID – BATI
Mga minamahal at pinagpipitagan kong mga kababayang Manileño.
Ngayong ika-24 ng Hunyo, ipinagdidiwang natin ang ika-439 taon ng pagkakatatag ng ating mahal na Lungsod.
At tulad ng mga pagdiriwang ng ganito, masarap sariwain ang kasaysayan ng Maynila at mga nakalipas na panahon na batbat ng pagpupunyagi, pagsusumigasig, pagsisikap at pakikipaglaban upang maisulong natin ang mga adhikain at mga simulain ng Lungsod ng ating mga pangarap.
Sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila, nararapat lang na ating ihayag ang ating mga pananaw para sa kinabukasan ng Maynila. Dapat din nating itaguyod at isa-alangalang ang patuloy na pagsulong ng mga panukalang walang ibang hangarin kundi ang ikakabuti at ikauunlad ng ating mahal na Lungsod at ng mga Manileño.
Sa biyaya ng Maykapal, sa tulong, tiwala at pananalig ninyo, wala akong alinlangan na tayo ay magtatagumpay na maisakatuparan at maisulong natin ang isang Maynilang Maayos, Masaya at Maunlad.
ASENSO MANILEÑO!
FRANCISCO "ISKO MORENO" DOMAGOSO
Vice Mayor